Birth Story Time Line
October 20,2007—The day of the baby shower. Many of the guests were saying na malaki daw ang tyan ko. Medyo nag drop na sya. I was really happy and smiling all through out the day kasi I was touched that many people went to the baby shower kasi medyo malayo ang house ni Ate Beth and yet marami pa rin pumunta.
October 21,2007- Went home from Ate Beth’s house to go to Grishan’s home para ihatid si Brox. Went to church and nag dinner kami sa Thai Restaurant. The dinner was good. Loved the Tom Yung!! Nung pag uwi namin pag baba ko sa car napansin ko masakit yung paa ko saka biglang nag manas. Uh oh usually not a good sign in my case. Kasi nung pinauwi ako sinabihan ako na pag manas ang paa balik sa sa hospital. What really had me worried was that this didn’t happen gradually. This happened all of a sudden. So naisip buti pala may appointment ako the next day.
October 22,2007- Nagpahatid ako kay Philbert sa hospital kasi may schedule ako na Non Stress Test. Nung andun na ako sa office ni Theresa. Sya yung nurse na mention ko nag manas ang paa ko. Sabi nya normal daw yun. Eh masakit din ulo ko. Dun na sya nag worry. Kinuhanan ako ng BP. 140/100 medyo mataas na sya. So dinala na nya ako sa labor and delivery. Medyo worried ako kasi parang na mention na yung word na induction eh di pa sya 37 weeks. Mag 37 weeks pa lang sya sa October 26.I prayed and prayed and told God na bahala na sya sa amin.Alam ko di naman nya kami pababayaan.Tinawagan ko na si Philbert at nagbilin na ako. I called Grishan and texted some friends to pray for me kasi nga induce na nga ako. I called my doula and told her na induce na ako. God is good kasi yung nurse na nag aalaga sa akin kababayan ng asawa ko so I was assured na talagang di ako pababayaan. Saka if I have questions she would be there to help me by answering my questions.
3:00PM—Start na ng induction. May kinabit na IV sa akin, Fetal Monitor and yung pang measure ng BP. May pinasok silang tube sa pipi ko and sa dulo andun yung gamot na parang balloon. Tapos pinasok din nila yung parang cathether kasi di na ako puede tumayo para mag wiwi. So ayun nakahiga ako the whole time.
7:00PM—I felt something falling down sabi ko ano yun medyo ninerbyos ako yung nakakabit na balloon nahulog. I immediately called the nurse to tell them na may nahulog. Sign pala yun na medyo ride na cervix ko. Nung na IE ako 4 CM na.
11:00PM- 4CM pa rin medyo ninerbyos na ako kasi nung manganganak ako kay Joshwa di nako nag progress past 4cm pero ang kaibahan this time masakit ang balakang ko as in now lang ako nakaranas ng ganung feeling. I tried to be a better person I refused an epidural. Pero I told the nurse to give me something mild for the pain. Ayoko pa sana agad mag request at first. Kasi naisip ko baka pag time na kailangan ko na wala nang effect
12:00 AM-Tumawag Mama ko and I told her na di pa ako nag pa epidural pero I told her na may nilagay sa IV ko masakit na talaga di ko na kinaya medyo it would have helped if I was able to change positions kaso I was strapped to the bed. After I talked to my mom I called the nurse swallowed my pride and told her I want an epidural.
1:00AM—Dumating yung doctor and they discussed the effects of the epidural and I remember telling him now you tell me and you’re scarring me. Sabi nya we have to tell you this things so that you’ll know. At that time I didn’t care kasi masakit na talaga balakang ko at likod ko. Not so much my the womb but the back pain was really,really, really bad.
2:30AM- The doctor told me that they we’re breaking the water bag and I didn’t feel it anymore as in bangag na ako because of the epidural.As in wala na akong na feel nakatulog na ako. They told me na baka may ma feel ako na basa as in wala akong naramdaman. Before ako nakatulog I heard them say nasa 7CM na ako medyo nakalma na ako.
6:45AM—Nagising ako kasi may nag IE sa akin masakit sya at naramdaman ko at naisip ko naku po wala nang effect ang epidural. Sabi nya 9CM na. Sabi ko sa sarili ko Thank You Lord!!! Kaunting tiis na lang.
7:20AM-Finally 10CM na I was moved to the other room na tataka ako bakit parang kuarto lang din di sya mukhang delivery room pero sabi sa akin dito ka na manganaganak. Pero I kept telling the baby sandal lang ha wait tayo for Daddy kasi padating na. True enough pag dating ni Philbert It was time to start pushing tapos dumating na si Peggy yung doula naming.
8:00AM-10:00AM I was pushing for 2 hours medyo may gaps in between. Di ko naramdaman ang epidural as in lahat ng sakit naramdaman ko talaga.Di ako marunong mag push inaamin ko kasi kung marunong ako di ako mag push ng 2 hours.Nung una sinasabi nila okay lang ba I forcep if di ko na kaya. Sabi ko oo maski pa I vacuum nila okay lang. Wag lang I-CS kasi If I wanted a repeat CS nagpaschedule na ako kaso I wanted to try to do a VBAC talaga. Saka never did I say it out loud habang nanganganak ako na open me up CS na. Ayoko talaga kasi baka sabihan ako o sige we’ll do that.
Finally at 10:06 AM just as I was really tired and did a final push she was out. Nung lumabas na sya na feel ko talaga yung sakit. Kaya pala ako nahirapan kasi nung una nakatilid sya tapos pag push ko bumabalik sya it took awhile for her to go out on her own. Pero I’m so thankful na nakaraos ako at nakaya ko mag VBAC. 6.9 LBS sya mas malaki pa sya kay Joshwa. God is good kasi kung umabot pa sya ng 39 weeks mas malaki pa sya di ko alam kung kakayanin ko pa. Dati pag may nagtatanong kung possible ba ang Vaginal Birth After A Caesarian Section ayoko mag salita kasi di ko pa nasubukan pero I’m now proof na possible sya.
I’m now at home Adrianne is still in the hospital kasi may jaundice pa sya pero we’re hopeful na maiiuwi na namin sya in the next few days